Thursday, September 16, 2010

Byahe sa Amerika, may pagbabago bang dala? : Isang Gabay sa Pagtalakay sa US trip ni Pang. Benigno Aquino III

Inihanda ng Bagong Alyansang Makabayan
16 Setyembre 2010


Nakatakdang umalis si Pangulong Benigno Simeon “Noynoy” Aquino III papuntang Estados Unidos (US) upang dumalo at magsalita sa harap ng may 189 heads of state/government sa gaganaping 65th United Nations General Assembly sa New York sa Setyembre 24. Ang tema ng general assembly ay “Reaffirming the Central Role of the United Nations in Global Governance”. Aalis si Aquino patungong US sa Setyembre 20.

Ang isang linggong (Setyembre 20-26) pagbyaheng ito ni Noynoy ay ang kanyang kauna-unahan bilang pangulo ng Pilipinas Susundan ito ng pagdalo niya sa Association of South East Asian Nations (ASEAN) Summit sa Hanoi, Vietnam sa huling linggo ng Oktubre. Samantala, hindi na siya tutuloy sa ASEAN-European Union (EU) Meeting sa darating na Oktubre 3-4.

Sinasabing personal na inimbita ni US President Barack Obama si Noynoy upang bumisita sa White House, subalit hanggang sa kasalukuyan ay wala pang inilabas na detalye ang Malacanang ukol dito. Habang hindi pa rin kumpirmado ang bilateral meeting nina Noynoy at Obama, sigurado naman na magkakadaupang palad ang dalawa sa gaganaping ikalawang US-ASEAN Leaders Meeting sa Setyembre 24. Magsisilbing country coordinator ang Pilipinas para sa US- ASEAN Dialogue relations for 2009-2012.

Sa kanyang mga press release at pahayag, sinabi ni Aquino at kanyang mga tagapagsalita na mahalaga ang pagbyaheng ito ng pangulo dahil ang US ang isa sa “big, if not biggest, trading partners” ng bansa. Isa raw itong oportunidad upang manghikayat ng mga dayuhang mamumuhunan, matapos ibahagi sa kanya ni US Ambassador to the Philippines Harry K. Thomas Jr. na maraming malalaking kumpanyang Amerikano ang interesadong mamuhunan sa Pilipinas. Itinuturing ng Malacanang ang pagbyaheng ito bilang solusyon sa problema ng kakulangan ng hanapbuhay sa bansa.

Target ng pangulo na makakalap ng mga proyektong pang-imprastraktura sa ilalim ng Public-Private Partnership (PPP) na kanyang nauna nang binanggit sa kanyang State of the Nation Address. Kaugnay nito ay ipinasa noong Setyembre 9 ng Executive Order No.8 o ang pagrereorganisa sa Build-Operate-Transfer (BOT) Center bilang Public-Private Partnership (PPP) Center of the Philippines (sa ilalim ng National Economic and Development Authority) upang mapabilis at mapabuti ang pangangasiwa sa mga proyektong PPP. Maraming tumutuligsa sa PPP dahil sa esensya ay pribatisasyon ito ng mga serbisyong dapat gobyerno ang nagbibigay.

Ang pag-alis na ito ng pangulo ay talagang pinaghahandaan ng kanyang Gabinete. Sa katunayan ay umalis patungong US noong Agosto sina Trade and Industry Sec. Gregory Domingo at Finance Sec. Cesar Purisima upang makipag-usap sa iba’t ibang malalaking kumpanya at korporasyon sa US at ayusin ang mga posibleng pamumuhunan, kabilang ang business process outsourcing (BPO) tulad ng mga call centers at electronics. Sinasabing ang BPO ay nagbibigay sa bansa ng may P9 billion kita kada taon subalit nasa kalahating milyon lang ang naka-empleyo dito.

Nakatakdang makipagkita si Aquino sa mga matataas na opisyales ng malalaking korporasyon sa New York at San Francisco tulad ng Coach, Luen Thai, IBM, JP Morgan, Sutherland, Automatic Data Processing and Hewlett Packard. 

Isa rin sa mga pinaka-aabangan ng administrasyong Aquino sa pagbyahe sa US ay ang pagpirma sa US$434-million Compact grant ng Millennium Challenge Corporation (MCC) na sinasabing nakalaan para sa poverty reduction, revenue generation at infrastructure development sa bansa.

Maliban sa pagdalo sa mga pulong ng UN at ASEAN-US, pangangalap ng suporta mula sa mga dayuhang kapitalista, at pagsaksi sa pagpirma ng MCC sa Compact grant ay nakalinya rin bilang mga aktibidad ni Noynoy ang mga sumusunod:

(1) pagdalo sa isang roundtable discussion kasama ang mga miyembro ng Filipino-American community na nasa larangan ng Information Technology at Engineering (ST&E) sa New York at San Francisco;

(2) pagtanggap sa Saint Elizabeth Ann Seton Medal – ang pinakamataas na karangalang ibinibigay ng College of Mount Saint Vincent (kung saan nag-aral ang kanyang ina na si dating pangulong Corazon Aquino) sa New York – para raw sa kanyang "extraordinary service as public official";

(3) pagsasalita sa harap ng Council of Foreign Relations (isang think-thank para sa international affairs; dating Ayala Foundation-USA) tungkol sa relasyong RP-US at ang perspektiba ng Pilipinas sa mga isyung rehiyonal at internasyunal;

(4) pagdalo sa gala dinner ng Philippine Development Forum kung saan siya ang keynote speaker. Tatalakayin umano niya ang mga proyekto kaugnay ng information technology;

Nakatakdang bumalik sa Pilipinas si Aquino sa Setyembre 28. Ilan sa mga makakasama niya sa kanyang pagbyahe ay sina House Speaker Feliciano Belmonte Jr., Mandaluyong Rep. Neptali Gonzalez II at Mandaluyong Mayor Benhur Abalos.

Read more... click the link

Tuesday, September 14, 2010

'The Cove': A stirring defense for dolphins | ABS-CBN News | Latest Philippine Headlines, Breaking News, Video, Analysis, Features

'The Cove': A stirring defense for dolphins | ABS-CBN News | Latest Philippine Headlines, Breaking News, Video, Analysis, Features




MANILA, Philippines - In a sleepy coast in Taiji, Wakayama in Japan, a little-known fishing tradition, unmatched elsewhere in the world, has been quietly going on for sometime now.

It involves fishermen herding migrating dolphins into a hidden cove every September, away from the prying eyes of tourists, and mercilessly spearing them until the water is stained with dolphin blood.



Read more ... click the link.

Thursday, September 09, 2010

Lav Diaz judge in Venice fest - INQUIRER.net, Philippine News for Filipinos

 

MULTI-AWARDED independent filmmaker Lav Diaz has been chosen as jury member for the Orizzonti (Horizon) section of the prestigious 67th International Venice Film Festival, organizers announced on Friday.

Read more...click the link below

Lav Diaz judge in Venice fest - INQUIRER.net, Philippine News for Filipinos

Saturday, September 04, 2010

PAKIKIRAMAY AT PAGPUPUGAY KAY KASAMANG ALEXANDER MARTIN REMOLLINO

by Joma Sison on Saturday, September 4, 2010 at 4:37am


Nakikiramay kami sa pamilya at lahat ng kasama at kaibigan ni Kasamang Alex sa kanyang pagpanaw. Nagpupugay kami kay Ka Alex bilang makabayang aktibista, matatag na rebolusyonaryo, makata at mamamahayag.  


Kahit na nasa malayong lugar kami, naging malapit kami kay Ka Alex dahil sa aming madalas na lihaman at kooperasyon sa paggawa ng mga interview, mga poetry reading at pagpapalaganap ng mga pahayag at artikulo. Nagkakaisa kami sa diwa, damdamin at pakikibaka para sa pambansang kalayaan at demokrasya.

Maigsi ang buhay ni Ka Alex subalit makahulugan at mabunga. Ang mga ambag niya sa pakikibabaka mananatili at lalago sa pagsulong ng bagong demokratikong rebolusyon ng sambayanang Pilipino. Tularan natin ang maningning na halimbawa ni Ka Alex at ipagpatuloy ang ating pakikibaka!
Read more...(click the links below)

FELLOWS of UP National Writers Workshop (1965-Present)


WORKSHOP FELLOWS - panitikancomph Philippine Literature Portal -

ANG PABORITO KONG TULA ni Prof. Jose Ma. Sison

By Prof. Jose Maria Sison
Makata, rebolusyonaryo
Published in Pinoy Weekly
29 March 2010

Si Mao Zedong ang paborito kong makata dahil sa kanyang rebolusyonaryong romantisismo at lirisismo. Mahusay ang paggamit niya ng mga kongkretong imahe, simpleng salita, ritmo at mga makabuluhang alusyon. Pinagsasanib niya ang malawak at malalimang pananaw ng isang rebolusyonaryong proletaryo at ang kagalingan sa sining ng paglikha ng tula.


Read more... (click the link below)

Thursday, September 02, 2010

AWIT KAY ANA Cast and Crew


Ilang pangunahing mga tagpo sa premyadong dulang "AWIT KAY ANA" (Digmaan!) ni Diosdado Sa. Anzures, sa direksyon ni Noel Estonilo Miralles.
Mga nagsiganap:

MARIFE NECESITO (Ebolusyon ng Isang Pamilyang Pilipino, Heremias II, international Swedish film "Mammoth") bilang ANA


AURA MIJARES (Himala, Ikaw na Sana, Till I Met You) bilang TINAY


DANTE BALOIS (Babae sa Breakwater, Ang Paglilitis kay Bonifacio) bilang HORACIO (ASIONG)


SIMON IBARRA (Heremias I, Toro, Bakal Boys) bilang TOMO


JERRI BARRIOS (Ben and Sam) bilang MARIO


MIGUI MORENO (All About Adam) at HIAH CASTRO bilang BERTING


EDWIN DOMINO (El Filibusterismo) bilang MAKAPILI.

Sa musika ni Emil Sanglay, areglo ni Rom Dongeto, at ilaw ni Jehiahbalm Castro

Nasa produksyon sina MURPHY SC RED, NEL GARBANZOS, RYAN CASTANEDA, JUDITH SORIAO, LYANNE SAN DIEGO, PAULO SANZ at iba pang mahuhusay na mga alagad ng teatro ng bayan.

Para sa shows at bookings, kontakin po ang mobile nos. +639062112058 at +639266301038.

http://www.youtube.com/watch?v=A7B00HCVdUs&feature=player_embedded
http://www.facebook.com/#!/group.php?gid=146443052056969&ref=ts