Saturday, September 04, 2010

PAKIKIRAMAY AT PAGPUPUGAY KAY KASAMANG ALEXANDER MARTIN REMOLLINO

by Joma Sison on Saturday, September 4, 2010 at 4:37am


Nakikiramay kami sa pamilya at lahat ng kasama at kaibigan ni Kasamang Alex sa kanyang pagpanaw. Nagpupugay kami kay Ka Alex bilang makabayang aktibista, matatag na rebolusyonaryo, makata at mamamahayag.  


Kahit na nasa malayong lugar kami, naging malapit kami kay Ka Alex dahil sa aming madalas na lihaman at kooperasyon sa paggawa ng mga interview, mga poetry reading at pagpapalaganap ng mga pahayag at artikulo. Nagkakaisa kami sa diwa, damdamin at pakikibaka para sa pambansang kalayaan at demokrasya.

Maigsi ang buhay ni Ka Alex subalit makahulugan at mabunga. Ang mga ambag niya sa pakikibabaka mananatili at lalago sa pagsulong ng bagong demokratikong rebolusyon ng sambayanang Pilipino. Tularan natin ang maningning na halimbawa ni Ka Alex at ipagpatuloy ang ating pakikibaka!
Read more...(click the links below)

No comments: