ni Murphy SC Red
(sa mga buhay na tinigpas sa Hacienda Luisita)
Sige lang, dedma lang,
“lupain naman ‘to ng aming angkan,”
uto mo sa sariling gusto mong paniwalaan
maski naming ang akala nyo’y mangmang
gayong malinaw pa sa katanghalian
ng bawat katag-araw na pabuya ‘yan
sa himod n’yo sa tumbong at puwitan
ng mga prayle at gobernador heneral
na sa lupang ninuno ay dantaong kumamkam.
Sige lang, dedma lang,
tutal dugo namin at di inyo ang dilig n’yan
pawis nami’t di inyo ang tumatagas
lakas nami’t di inyo ang pinupuhunang
tumagpas ng tubó at limpak na tubô
na angkan n’yo ang sumasamsam.
No comments:
Post a Comment