Kalkal sa estero,
pukpok sa tanso,
kaskas sa pasilyo,
bale sa amo.
Tagpas sa tubo,
Halo ng semento,
tulak sa araro,
bawas sa sweldo.
Kayod ng tutong,
Sabaw sa puswelo,
subo ng dehado,
basyo ang kaldero.
Hugot ng segundo,
hila sa minuto,
oras na binuno,
inabot ng siglo.
Hasa sa sentido,
hatak sa gatilyo,
bulwak ng asero,
kulo ng dugo.
Pawis na tumulo,
luhang natuyo,
igkas ng kamao,
hudyat ng pagkatuto,
Pagsilang ng yugto,
sa baga ng aspalto
gugulong ang ulo,
ng kapitalismo.
Katha ni Murphy SC Red
murphy_the_red@yahoo.com
Author, Bukatot, short story in Ilokano about the struggles of tobacco farmers in Ilocos (Gantimplang Ani Grand Prize Winner)
Co-Author, MUOG: Ang Naratibo ng Kanayunan sa Matagalang Digmang Bayan sa Pilipinas (Bukatot)
Co-Author, Bigkis: Mga Piling Akdang Pinarangalan sa Gantimpalang Ani (Bukatot)
Co-Author, LADLAD: An Anthology of Philippine Gay Writings (Simpleng Taytel, Kumplikadong Kwento)
Co-Author, LADLAD II: And Anthology of Philippine Gay Writings (Gayspeak in the 90s)
Writer, Haw-Ang (Before Harvest), an independent film directed by Sigrid Andrea Bernardo.
No comments:
Post a Comment